Dating senador Bongbong Marcos inaming nagpaplano syang tumakbo bilang pangulo sa susunod na halalan.
Sa pahayag ng dating senador sa FINANCIAL TIMES ,sinabi nitong hangad nyang makuha ang pinakamataas na posisyon sa pulitika at iyon ay ang pagiging pangulo ng bansa.
"My career is politics,and ofcourse, you aspire to as high a stature within your chosen field as you can achieve-and that would be president in my case". ani ni Marcos
Kasama na dito ang sinasabing mga nakaw na yaman ng mga Marcos.
Sa pahayag ng dating senador, hindi na nya pinanpansin ang tungkol sa mga aligasyon ng katiwalian laban sa kanilang pamilya,dahil wala naman daw aniyang nagtagumpay sa mga kasong isinampa laban sa kanila.
"None of the casse that were filed againts us,have been won".ani pa ng dating senador.
Sa pagtataya naman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) aabot sa 10 milyong dolyar ang sinasabing ill-gotten wealth ng mga Marcos,at matatandaan ding libo libo ang reklamo ng pangaabuso at karahasan sa ilalim ng batas militar laban sa ama ni Bongbong na si dating pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon naman sa isang political analyst, malaki ang tiyansa ng makalusot bilang pangulo ang dating senador sapagkat matatandaang kaunti lamang ang inilamang ng kanyang katunggali bilang vice president nang nakaraang halalan.
Sa ngayon patuloy padin ang isinasagawang re-count ng mga boto sa pgka bise-presidente matapos maghain ng reklamo si Marcos laban sa pagkapanalo ni Vice president Leni Robredo.
SOURCE: ABS-CBN News
No comments:
Post a Comment