Isang pari ang itinuturing na suspek sa pagkamatay ng isang bababe na natagpuang wala nang buhay sa gilid ng kalsada sa San Fernando Camarines Sur.
Nakilala ang nasabing babae na si Jeraldyn Rapiňan, 28 taong gulang at dating kasambahay ng paring sinasabing pumatay sa biktima.
Ang sinasabing pari ay si Fr. Paul Martino Tirao,na di umano'y sya ring ama ng anak ng biktimang si jeraldyn.
Sa kwento ng mga magulang ng biktima sa mga pulis,ipinatawag umano ni Fr. Paul si jeraldyn dahil gusto nang pabinyagan ng biktima ang kanilang anak,kaya ito nakipagtagpo sa pari ng araw na iyon.
Ayon naman sa sekretarya ng pari na tumangging magpakilala,kinumpirma nito na dati ngang kasambahay ng pari ang biktima ngunit pinabulaan parin nito ang aligasyon. Hindi naman nakuhanan ng pahayag si Fr. Paul dahil ipinatawag ito ni Bishop Rolando Terona.
Ayon naman sa pahayag ng Archdiocese of caceres paiimbistigahan nila ang nangyari.
We are deeply troubled that in media reports,a priest has been alluted to as a person of interest,we hold that report ver seriously."ani ni Rev.Fr. Luisito Occiano ( PIO Archdiocese of coceres).
Sinabi naman ng camarines sur police provincial office na bumuo na sila ng "TASK FORCE JERALDYN" para tutukan at imbestigahan ang naturang kaso.
SOURCE: 24 ORAS Youtube
No comments:
Post a Comment