Iginiit ni Pangulong Duterte na hindi sinadya ang pagkakapatay sa anim (6) na pulis sa Samar noong lunes.
Ayon sa pangulo misencounter umano ang nangyaring pagkakapatay sa mga pulis noong lunes sa Villareal Samar,at hindi kagustuhan ng sinuman.
Ito ang pahayag ng pangulo habang nasa programa sya ng panunumpa mga mga nahalal na kapitan ng baranggay sa Zamboanga del sur.
“Nobody wants it, what happens there is the Murphy’s Law — if anything can go wrong, it will go wrong,” ani ni Duterte.
Sinabi ng pangulo na dadalaw sya sa burol ng mga namatay na pulis kasa ang Philippine Army,upang ipakita ang kaniyang pakikiramay at pakikipag kaibigan.
Ayon sa militar nagpapatrolya ang mga sundalo sa isang nayon sa bayan ng Villareal lunes ng umaga ng mapagkamalan ng mga ito ang mga pulis na miyembro ng rebeldeng grupo ng NPA (New Peoples Army).
Ayon naman kay Military spokesperson Col. Edgard Arevalo,nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kung ano ang naging sanhi ng insidenteng pagkakapatay sa 6 anim na pulis kasama ang siyam pang sugatan.
SOURCE: ABS-CBN News
No comments:
Post a Comment