Mayor ng Tanauan Batangas patay sa pamamaril - Viral News Depot

Breaking

Monday, July 2, 2018

Mayor ng Tanauan Batangas patay sa pamamaril


Patay sa pamamaril si Tanauan city Batangas Mayor Antonio Halili ,habang dumadalo ng flag ceremony lunes ng umaga.


 Ayon sa ulat naisugod pa sa ospital si Halili matapos ang pagbaril ngunit binawian din ito ng buhay dakong 8:45 ng umaga.

 Nakilala ang alkade dahil sa kampanya nito kontra droga. Matatandaang isa sa mga ginawang aksyon ng alkalde laban sa droga ay tinatawag na "walk of shame" kung saan animo'y ng sta cruzan ang mga drug suspect,bitbit ang mga plakang naglalaman ng samut saring kasabihan ukol sa droga.

 Kinondena naman ng palasyo ang naganap na pagkakapatay sa alkade,na tinaguriang duterte ng Batangas dahil sa masugid na suporta nito sa laban kontra droga.

 "Kinokondena po natin itong pagpatay kay Mayor Halili. Kakilala po natin itong si Mayor Halili. Ito po'y isang napakatibay na kasangga ng Presidente sa gyera laban sa droga. Siya po'y napakahusay na alkalde. Sa kanyang pamumuno po naging isa sa pinakamaunlad na bayan ang Tanauan," ani ni presidential spokesperson Harry Roque.





SOURCE:GMA BALITAMBAYAN

No comments:

Post a Comment