Isang pahayag ang binitawan ng pangulo sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno patungkol sa pagtaas ng bilang ng kriminalidad sa bansa.
Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) nasa 1.5 milyong pamilya na ang naging biktima ng kriminalidad sa unang bahagi palang ng taong kasalukuyan.
"There is always the illegal logging. There is always the illegal drugs, the high rate of crime in your municipality. Ano bang ginagawa ninyo? "ani ni pangulong Duterte.
Ito ay kanyang pinahayag sa oath-taking ng 1,904 newly-elected Zamboanga Peninsula barangay captains sa Zamboanga del Sur.
Sa pahayag ng pangulo hinihingi nya ang atensyon at tulong ng mga chief executives at mga barangay officials upang labanan at tumataas na kriminalidad sa bansa. Aniya hindi nya kakayanin kung mag isa lamang syang lalaban dito.
“I do not mean to offend you. But the yoke of burden does not fall on me exclusively. Hindi ko kaya itong republika na ito na patakbuhin kung wala kayo.”aniya
Dagdag pa ng pangulo nakararamdam umano sya ng pakiramdam ng pagkabigo sa laban kontra kriminalidad dahil sa pagtaas nga nito, kaya naman kung hindi nila umano ito sama-samang malalabanan,hinihikayat nalang niyang sama-sama silang magbitiw sa pwesto.
“Pag ganito, wala ako'y silbi, I’ll ask you to join me, mag-resign na lang ta." Kaya naman inatasan ng pangulo si Department of the Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año upang magsagawa ng pagsusuri sa mga local government officials,na hindi umano mahusay o maayos na ginagampanan ang kanilang tungkulin sa paglaban sa kriminalidad.
SOURCE : ABS-CBN
No comments:
Post a Comment