Binalikan ng pahayag ni Detained senator Leila De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa sinabi nitong paglalabas ng kanyang sinasabing sex tape.
"Napakaraming problema sa Pilipinas. 'Yun dapat ang inaatupag ni Duterte, hindi 'yung kabastusan niya," pahayag ni De Lima sa mga reporters sa Muntinlupa City Hall of Justice,kung saan dapat magaganap ang pagdinig sa kanyang kaso.
Samantala ito naman ang sinabi ng pangulo matapos umano punahin ng senadora ang nangyaring paghalik ng Pangulo sa isang Pilipina sa South korea sa panahon ng kaniyang opisyal na pagbisita sa nasabing bansa.
"There's a lady. Nakakulong. Sabi niya bastos daw yung ginawa ko,"ani ni Duterte
Sinabi pa ng pangulo na higit na bastos ang ginawa ng senadora ,at ito ang pinaka bastos na magagawa ng isang senador.
"Kung may screen lang kayo dito, ipapakita ko 'yung x-rated niya. Nakalimutan niya siya ang pinakabastos dito. You forget conveniently that you started the most, pinakabastos na magawa ng isang senador," dagdag ng pangulo.
Sa kabilang banda patuloy na itinatanggi ng Senadora ang tungkol sa nasabing sex tape.
SOURCE: GMA NEWS
No comments:
Post a Comment