Dahilan ng pagkasira ng mga coral reefs inilahad ng mga mangingisda sa scarborough - Viral News Depot

Breaking

Friday, June 15, 2018

Dahilan ng pagkasira ng mga coral reefs inilahad ng mga mangingisda sa scarborough


Naglabas ng hinaing ang mga  pilipinong mangingisda sa malacanang tungkol sa pagkasira ng mga bahura sa scarborough.

Ayon sa isang report ng repoter's notebook, sinabi ng mga mangingisda na may mga makinaryang gamit ang mga tsinong mangingisda na nakahuhukay maging ng mga malalaking bato sa dagat, at ito ay ginagamit nila upang kumuha ng malalaking taklobo.

"May parang tatlong elisi na may makina tapos itutok lang yung tatlong elisi na yun sa barko, mahuhukay nila kahit na gaano kalaking bato,"ani ng mangingisdang si Delfin Egana".

Inilahad din nila ang epektong dulot nito sa kanilang kabuhayan,anila wala na silang masyadong nahuhuling isda dahil sa paglayo ng mga ito at pagpunta sa malalim na bahagi.

Gayon din naman nagbigay din ng pahayag ang isang professor sa ipinakitang kuha  sa University of the Philippines Marine Science Institute (UP MSI) tungkol sa pagkasira ng mga bahura sa scarburough.
Sa area na durog na 'yung corals, wala masyadong isda. Siguro, at least, yung doon sa footage, mga one square kilometer. So malaki 'yan,"komento ni research professor Dr. Porfirio Aliño "

Dagdag pa ng professor ito ay maaaring magdulot ng ibat ibang sakuna,at ayon sa isang pagaaral ay aabutin pa ng halos apat (4) na dekada bago bumalik.

Kinumpira naman ng National Security Advicer at chairman ng National Task Force on the West Philippine Sea na si Chairman Hermogenes Esperon na ang mga mangingisdang chino nga ang nasa likod ng pagkasira ng mga nasabing bahura.


Source: GMA

No comments:

Post a Comment