Nakumpiska ng mga pulis ang cellphone na gamit ni former senator Ramon "bong" Revilla Jr. sa pag post nya ng kanyang picture sa facebook.
Ayon kay PNP spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana Jr. , nakumpiska ang nasabing cellphone huwebes ng gabi matapos ang kanilang "swift inspection" na ginawa ng Headquarters Support Service (HSS).
Ininspeksyon ng mga pulis ang detention cell ng dating senador matapos itong makapag post ng kaniyang litrato sa kanyang facebook account.
Ayon pa kay superintendent Durano,magkakaron din ng pag iimbestiga na isasaga ng HSS ,kung paano nakaligtas ang naturang cellphone sa seguridad ng detention center,na mahigpit na ipinagbabawal.
"An investigation is being conducted by HSS to determine the circumstances surrounding that apparent breach of regulations despite at least twice a week unannounced inspections of all the cell blocks," ani ni Durana.
Tiniyak din Durana na mananagot ang sino mang mapatunayang may kasalanan sa nasabing pagkukulang sa seguridad ng lugar.
"The ax will fall where it should the moment an investigation clearly established culpability of any personnel," dagdag pa ni Durana.
Matatandaang pinayagang makalabas panandalian ang dating senador noong june 19 para sa kanyang dental check-up, oral oral prophylaxis, and implant,gayon paman hindi sya pinayagan makagamit ng anumang uri ng pang komunikasyon at electronic gadgets.
SOURCE:GMA
No comments:
Post a Comment