Kagandahang asal hirap ituro sa kabataan dahil mismo sa mga opisyal ng gobyerno - Viral News Depot

Breaking

Wednesday, June 20, 2018

Kagandahang asal hirap ituro sa kabataan dahil mismo sa mga opisyal ng gobyerno


Isang asosayon na kinabibilangan ng mga guro ang nagsasabing mahirap sa panahon ngayon ang magturo ng kagandahang asal sa mga magaaral.

 Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT),napakahirap turuan ang mga mag aaral sa ngayon ng kagandahang asal,at isa sa dahilan nito ay ang pag gamit ng mga hindi magagandang salita ng mga mismong opisyal ng gobyerno.

 Kabilang na dito si Preident Duterte,at iba pang mga opisyal na tila nagiging libangan na ang pagsasalita ng mga patungkol sa pagpatay,pagmumura,at iba pang hindi kanais nais na pananalita,na nagdudulot umano ng pagkalito sa maraming kabataan.

"We can imagine the confusion in our pupils’ heads," ayon kay Pres. Benjamin Valbuena presidente ng ACT

 Kaya naman hinihikayat nito ang kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na magorganisa ng special class na magtuturo ng kagandahang asal at tamang pag uugalisa ating mga opisyal.

 Dagdag pa ni Valbuena,bukod pa sa kagndahang asal ay dapat ding palakasin ang pagtuturo sa iba pang bagay gaya ng kahalagan ng katotohanan (values of truth),hustisya (justice),at karapatang pantao (human rights).

 "This will help our pupils to better discern the right from the wrong,"ACT

 Ayon pa kay Valbuena kinakailangan natin ng maingat na pagsusuri sa kurikulum ng edukasyon para sa ikauunlad ng bansa, kesa mag laan ng oras sa paggawa para sa murang kapital.



SOURCE:GMA

No comments:

Post a Comment