Duterte iniuugnay sa pagpatay kay Mayor Halili - Viral News Depot

Breaking

Monday, July 2, 2018

Duterte iniuugnay sa pagpatay kay Mayor Halili


Iniuugnay umano si pangulong Rodrigo Duterte ukol sa nangyaring pagtay sa alkalde ng Tanauan City Batangas na si Mayor Antonio Halili,dahil umano sa pagkakasangkot nito sa bentahan ng pinagbabawl na gamot.

 Sa isang pahayag ,sinama umano ng pangulo si Halili sa mga local officials na napatay dahil umano sa pagkakasangkot sa illegal drugs,gaya nila former Ozamiz City mayor Reynaldo Parojinog Sr. and former Albuera, Leyte mayor Ronaldo Espinosa.

"Basta kapag ginagamit mo ang iyong poder para sa droga: Parojinog, Espinosa, kanina si Halili [ng] Batangas," ani ni Duterte

Hindi ko alam sino pumatay pero binalaan ko na kayo [mayors] na huwag kayo [pumasok sa droga]. Huwag talaga," dagdag pa ng pangulo

Napatay ang alkalde lunes ng umaga habang nasa flag ceremony sa city hall.

 Matatandaang nakilala ang alkalde sa kakaibang paraan nito sa laban kontra droga,katulad ng tinaguriang "walk of shame",kung saan pinaparada ang mga drug suspect dala ang mga plaka.

Samantala hindi naman umano bumenta sa pangulo ang ginawang ito ni Halili,laban sa mga drug suspects.

 "Kunwari lang 'yan. Kunwari lang na pinapaprusisyon at hinahampas niya 'yung mga adik,"ani ni Duterte

 Itinanggi naman ito ng Alkalde.






SOURCE:GMA

No comments:

Post a Comment